^

Police Metro

Karambola ng 3 sasakyan: 1 patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang angkas na lalaki sa motorsiklo na nasangkot sa karambola ng tatlong sasakyan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rey Francisco, 27, binata, naninirahan sa Aquino Street, Grace Park West, Caloocan City. Habang sugatan ang nagmamaneho ng sinasakyang motorsiklo na si Reggie Luza.

Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kanto ng 7th Avenue at 2nd Street sa Brgy. 105 ay unang sinalpok ng isang Isuzu Tractor Head (RJK-826) na minamaneho ni Aniceto Daulong, 47, ang isang Toyota Innova na minamaneho ni Anna Kristina Chiu.

Hindi agad nakapagpreno si Luza at sumalpok ang kanilang motorsiklo nila sa Toyota Innova dahilan para tumilapon si Francisco at nabagok ang ulo sa kalsada dahil sa walang suot na helmet.

 Agad na naisugod sa Manila Central University Hospital ang mga biktima ngunit nalagutan ng buhay si Francisco dahil sa ma­tinding pinsala sa ulo habang nagtamo ng minor na mga pinsala si Luza at si Chiu.

vuukle comment

REY FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with