Fake drugs target ni Duterte

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na arestuhin ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng gamot sa pamilihan.
Ito ang sinabi ni chief legal counsel Salvador Panelo matapos na magpalabas ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration tungkol sa kumalat na mga pekeng 500 mg Paracetamol Biogesic sa pamilihan.
Ayon kay Panelo, nais umano ng pangulo na kasuhan ng economic sabotage ang nasa likod nang paggawa at pagbebenta ng pekeng gamot.
“Substandard and falsified medicines have become a global pandemic, impacting the safety of patients around the world,” wika ni Panelo.
Ang pagbili at paggamit ng pekeng gamot kabilang ang pekeng paracetamol ay delikado sa mga taumbayan.
Idinagdag pa ni Panelo, na ang pagsasampa ng kasong economic sabotage ay dahil sa pagkakawala ng pondo ng pamahalaan.
Bukod sa banta sa ekonomiya ang pagpapakalat ng pekeng mga droga ay nanganganib din ang kalusugan ng mayorya ng taumbayan.
Related video:
- Latest






















