^

Police Metro

Pulis patay sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng apat na salarin ang isang pulis na patungo sa kanyang trabaho kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay noon din ang biktimang si PO2 Marlo Bautista, 48, nakatalaga sa Caloocan City Police- Community Precinct 5, at naninirahan sa No. 11412 Phase 6, Purok 2, Brgy. 178 Camarin, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at papasok na sa PCP 5 nang harangin ng dalawang motorsiklo lulan ang apat na hindi nakilalang salarin sa kanto ng Ilang-Ilang at Bunag Street, Camarin Area B, Brgy. 175.

Dito na agad pinagbabaril ng mga salarin ang biktima na agad namatay at pagkatapos ay tumakas ang mga salarin. Narekober ng mga pulis ang nasa 13 basyo ng bala at 2 slug ng hindi mabatid na mga kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

PAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with