^

Police Metro

Parak utas sa sariling baril

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mismong service firearm ng isang pulis ang pumatay sa kanya nang aksidenteng mahulog at pumutok at tumama sa kanya ang bala habang nag-aayos sa loob ng bahay kamakalawa sa Parañaque City.

Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng bala sa dibdib ang biktimang si PO3 Ryan Buccat, 37, may-asawa, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng Southern Police District (SPD), nakatira sa Pascual Compound 1, Brgy. San Antonio ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Daisy, 33, dakong alas-4:10 ng hapon siya’y nagha­handa ng kanilang hapunan habang ang mister nitong si PO3 Buccat ay naghahanda naman ng mga personal nitong gamit sa kanilang kuwarto para sa pag-duty nang makarinig ng putok ng baril mula sa kanilang kuwarto.

Kaagad niya itong pinuntahan at nakita ang biktima na duguang nakabulagta kaya’t humi­ngi ng tulong sa bayaw para ihatid ang mister sa ospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

ALCOHOL

HENNESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with