^

Police Metro

Intsik tiklo sa P50-M drug bust

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang isang 38-anyos na Intsik na pinaghihinalaang drug trafficker at nasamsam dito ang nasa 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50M sa isinagawang buy bust operation sa San Juan City kamakalawa ng gabi.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Jinfa Wang, tubong Fujian, China  at naninirahan sa Ongpin St., Binondo, Manila.

Ayon kay Chief Inspector Roberto Razon Sr., hepe ng Regional Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (RAID-SOTG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bandang alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang kanilang mga tauhan sa harapan ng Shopsville at McDonalds food chain  malapit sa Viramall Greenhills, Brgy. Greenhills, San Juan City at dito ay nasakote si Wang matapos itong magbenta ng 10 kilo ng shabu sa poseur buyer ng RAID-SOTG.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang kulay itim na Toyota Innova na may conduction sticker na YW 7571.

Nabatid na dalawang linggo ang isinagawang surveillance operations laban kay Wang matapos silang makatanggap ng impormasyon sa talamak nitong pagbebenta ng illegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with