^

Police Metro

Misis, biyenan inutas ni mister

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 29-anyos na misis at bi­yenang babae matapos na pagbabarilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang mga biktimang sina Norma Camposano, 68; at Gloria Layug-Camposano, OFW sa Japan at kapwa nakatira sa Agatha Homes sa nabanggit na barangay habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rommel Layug.

Sa inisyal na ulat nina PO3 Ardon Ahamad at PO1 Johnson Morecho, dakong alas-5:10 ng hapon nang kausapin ng suspek ang kanyang misis kaugnay sa nakatakdang paghihiwalay nila.

Hindi naman pumayag ang misis sa kahilingan ng suspek na umuwi na lamang sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Dito na pinagbabaril ng suspek ang kanyang misis subalit narinig naman ng kanyang bi­yenang babae ang putok  kaya ito sumaklolo.

Subalit pinaputukan din ng suspek ang kanyang biyenang babae kung saan kapwa bumulagta.

Narekober sa crime scene ng SOCO ang mga bala at cal. 9mm pistol.

vuukle comment

ACIRC

AGATHA HOMES

ANG

ARDON AHAMAD

BARANGAY TIKAY

BULACAN

GLORIA LAYUG-CAMPOSANO

JOHNSON MORECHO

MALOLOS CITY

NORMA CAMPOSANO

ROMMEL LAYUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with