^

Police Metro

2 paslit dedo sa loob ng kotse

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa wala ng buhay nang matagpuan ang dalawang bata sa loob ng isang nakaparadang kotse sa isang subdivision sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Aljo Hanny Malaco at Renz Alcoriza, kapwa apat na taong gulang at residente ng Sitio Sta. Cruz, Barangay Santa Cruz, Antipolo City.

Nabatid na simula ng alas-8:00 ng umaga ay hindi umano umuuwi ang mga bata kaya’t hinahanap sila ng kanilang mga magulang at dakong alas-3:00 na ng hapon nang matagpuan ng mga ito na wala ng buhay sa loob ng isang Mitsubishi Lancer (UJC-118) na nakaparada sa loob ng Ca­valiers Subdivision, ng nasabing barangay.
Natunton ang mga bata nang may makapagsabi sa mga magulang na maaga pa lamang ay nakita ang mga bata sa loob ng sasakyan habang naglalaro at bumubusina pa.

Posible anya na na-suffocate ang mga bata nang makulong ang mga ito sa loob.

Gayunman, hindi pa iniaalis ng mga otoridad ang posibilidad na may foul play sa insidente matapos na lumitaw sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO), na may bukol sa ulo si Aljo habang si
Renz naman ay may pasa at sugat sa katawan.

Naniniwala nang ina ni Aljo na si Janet, na posibleng pinatay ang anak dahil sa may ma­laking sugat sa ulo nito, na nangingitim na, at posibleng internal he­morrhage ang ikinasawi nito.

Ipinagtataka naman ng ama ni Renz na si Mang Romeo, na bakit may mga sugat sa katawan ang anak at matigas na rin ang bangkay nito at nangingitim na ang mga paa at kamay, na indikasyon na matagal nang patay ang anak bago ito natagpuan.

vuukle comment

ACIRC

ALJO

ALJO HANNY MALACO

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SANTA CRUZ

MANG ROMEO

MGA

MITSUBISHI LANCER

RENZ

RENZ ALCORIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with