^

Police Metro

Kuya tinodas ng utol

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Humantong sa pagpatay ang pagtatalo ng isang magkapatid tungkol sa pinag-aawayang lupa nang barilin ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya kahapon ng tanghali sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa katawan ay nakilalang si Thomas Buenaflor, 69.

Habang ang suspek na naaresto sa isang follow-up operation ay kinilalang si James Buenaflor, 66.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:25 ng tanghali ay kakauwi lang ng magkapatid sa kanilang bahay sa Purok Sentro, Barangay New Rizal, Mlang buhat paglilibing  nang namayapa nilang kapatid nang maganap ang pagtatalo tungkol sa lupa.

Sa gitna nang pagtatalo ay kinuha ng suspek ang kanyang baril at pinagbabaril ang kuya ng pitong beses sa katawan. Nakatakdang kasuhan ang suspek ng parricide at paglabag sa Comelec gun ban.

vuukle comment

ANG

BARANGAY NEW RIZAL

BATAY

COMELEC

HABANG

HUMANTONG

JAMES BUENAFLOR

MLANG

NORTH COTABATO

PUROK SENTRO

THOMAS BUENAFLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with