^

Police Metro

Alitan tinapos sa sayawan

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng dalawang lalaki ang kanilang matagal nang alitan matapos na magkrus ang kanilang landas sa isang sayawan at dito naganap ang pananaksak na ikinasawi ng isa sa kanila kamakalawa ng gabi sa Purok Tungao, Barangay Proper Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Deos Tigo, 35, residente ng nabanggit na lugar.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Gaudencio Wari, isang miyembro ng Cafgu.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:00 ng gabi sa isang sayawan sa nasabing lugar ay nagkita ang biktima at suspek at dito ay muling naungkat ang kanilang matagal nang alitan sa hindi pa malamang kadahilanan.

Nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa hanggang  sa bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa tiyan ang biktima na ikinasawi agad nito.

vuukle comment

ANG

BARANGAY PROPER NED

BATAY

CAFGU

DEOS TIGO

GAUDENCIO WARI

LAKE SEBU

NAGKAROON

PUROK TUNGAO

SOUTH COTABATO

TINAPOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with