^

Police Metro

Isko nasa ika-13 puwesto sa senatorial survey

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pursigido si Manila Vice Mayor Isko Moreno  na pag-iibayuhin pa ang kanyang laban sa pagka­senador matapos makuha ang ika-13 puwesto sa latest Pulse Asia Survey.

Nagpapasalamat si Isko sa mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan kahit bagito lamang siya sa senatorial race sa nakuhang ika-13 puwesto sa latest Pulse Asia Survey (Nov. 8-15).

Bagama’t aminado si  Moreno na posibleng  bu­maba ang kanyang rating sa sandaling gamitin niya ang apel­yidong Domagoso (Francisco Domagoso sa tunay na buhay) ay ikinatuwa naman nito ang pagtaas ng kanyang satisfaction rating na 30.4% na sapat upang makuha niya ang 13th place.

“Malaking karangalan po sa isang katulad ko na hindi galing sa isang sikat o kilalang pamilya na mapasama sa tinatawag nilang winning circle pero malayo pa po ang biyahe at kahit masikip ang daan, ako ay patuloy na naniniwala na darating ang panahon na mabibigyan din ng pagkakataon ang mga katulad ko na makapag lingkod sa ating bayan,” ani Moreno.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGAMA

DOMAGOSO

FRANCISCO DOMAGOSO

ISKO

MALAKING

MORENO

NAGPAPASALAMAT

PULSE ASIA SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with