^

Police Metro

Helper na tulog tinodas sa punerarya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na nagising pa ang isang 36-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki habang natutulog sa loob ng compound ng Funeraria Cruz, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na tadtad ng tama sa dibdib at itaas na bahagi ng katawan ay kinilalang si Divino Jimenez, residente ng no. 2643 Lico St., Tondo, Maynila, helper/caretaker ng R. De Castro Funeral Homes.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang lalaki ang compound ng nasabing punerarya.

Apat na kasamahan sa trabaho ang kasamang natutulog kabilang ang kaniyang ka-live in na si Vanessa nang barilin ang biktima.

Ayon kay Vanesa na nagising siya sa sunod-sunod na putok ng baril at nang dumilat ay nakita niya ang duguang biktima habang tumatakas ang dalawang lalaki na nakasuot ng puting damit at tumakas sakay ng tricycle.

Sinabi ni Vanessa sa pulisya na may nasaksak ang biktima kamakailan dahil sa pagtatanggol sa anak nito na maaaring iyon ang suspek.

vuukle comment

ANG

APAT

AYON

BIKTIMA

DE CASTRO FUNERAL HOMES

DIVINO JIMENEZ

FUNERARIA CRUZ

LICO ST.

MAYNILA

SINABI

VANESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with