^

Police Metro

Mag-aama pumatay dahil sa videoke

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 27-anyos na lalaki matapos itong pagtulugangang saksakin ng mag-aama kaugnay sa pinagtalunang videoke sa birthday party sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng Quezon City PNP, kinilala ang biktima na si Bryan Linde ng #137 Pantranco Compound, Himlayan Road sa Barangay Pasong Tamo sa nasabing lungsod.

Isa sa mga suspek na si Reynante Riota ang nadakip habang pinaghahanap ang kanyang tatay na si Miguel Riota at kapatid na si Roberto Riota.

Ayon kay PO3 Mendoza, lumilitaw na naganap ang krimen sa kahabaan ng Pantranco compound sa Himlayan Road ganap na alas-6:30 ng gabi.

Ayon sa pulisya, dumating ang biktima sa birthday party ni Renante kung saan kaagad na pinatay nito ang videoke na ginagamit na sound system.

Nagalit ang suspek na si Miguel at kinompronta ang biktima kung saan nakisali na ang dalawang suspek kung saan nauwi sa pananaksak.

Naisugod pa sa Quezon City General Hospital su­balit idineklarang patay ang biktima.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY PASONG TAMO

BRYAN LINDE

HIMLAYAN ROAD

MIGUEL RIOTA

PANTRANCO COMPOUND

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

REYNANTE RIOTA

ROBERTO RIOTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with