^

Police Metro

Jailguard itinumba ng nakamotor

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang tambangan at pagbabarilin ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jail Officer 1 Marwan Christopher Arafat, 27, binata, residente ng Tanigue Street, Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod at nakatalaga sa Caloocan City Jail.

Nasugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang balikat ang 76-anyos na si Enerejo Silorico, balo, at residente ng Libis Espina Street, Brgy. 18, ng lungsod.

Ang mga suspek ay tumakas patungo sa direksyon ng Malabon City na lulan ng isang itim na Yamaha Mio na hindi naplakahan.

Sa ulat, dakong alas-6:25 ng gabi ay binabagtas ni Arafat lulan ng kanyang motorsiklo ang Tamban Street sa Brgy. 18 nang biglang dikitan ng mga suspek na nakamotorsiklo at agad na binaril ito. Nang bumagsak ang biktima ay muling pinagbabaril ito ng mga salarin para masigurong patay na bago  mabilis na tumakas.

vuukle comment

ANG

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY JAIL

ENEREJO SILORICO

JAIL OFFICER

LIBIS ESPINA STREET

MALABON CITY

MARWAN CHRISTOPHER ARAFAT

TAMBAN STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with