^

Police Metro

Bangko naholdap ng P6.7-M

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ilang minuto pa lamang nakakabukas ang isang bangko nang ito ay pasukin at holdapin ng mga suspek at natangay ang nasa P6.7 milyon halaga ng mga cash at tseke  kamakalawa sa Surigao City, Surigao del Norte.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang maganap ang pang­hoholdap sa sangay ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa kahabaan ng San Nicolas–Diez Streets, Brgy. Taft ng lungsod.

Sa imbestigasyon ay kabubukas lamang ng bangko nang dumating ang mga suspek na lulan ng dalawang kulay itim na XRM na motorsiklo at agad dinisarmahan ng tatlo sa mga suspek ng shotgun ang security guard na si Efren Doquilla na nasa pinto at isa pang security guard na si Lancelot Balaba na nasa loob.

Natangay ng mga suspek ang P4.4 M cash at P2.3 M tseke o kabuuang P6.7M bukod pa sa mga pera at cellphone  ng mga depositor.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

DIEZ STREETS

EFREN DOQUILLA

LANCELOT BALABA

MGA

SAN NICOLAS

SURIGAO CITY

UNITED COCONUT PLANTERS BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with