^

Police Metro

Utol ng ASG sub-commander, malubhang nasugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malubhang nasuga­tan ang isang kapatid ng notoryus na Abu Say­yaf Group makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa Brgy. Liang, Patikul, Sulu kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Joint Task Group (JTG) Sulu Commander Brig.  Gen. Alan Arrojado ang  malubhang nasugatang bandido na si Ben Saudi, mula sa grupo ni Commander Ajang –Ajang, kaalyado ng Abu Sayyaf na sangkot rin sa  illegal na aktibidades.

Sinabi ni Arrojado na si Ben Saudi ay kapatid ni Aljin Jaelan Mundok alyas Ninok Saparri, isa sa mga Sub-Commander ng Abu Sayyaf na sangkot sa kidnapping for ransom.

Nabatid na bandang alas-11:20 ng tanghali kahapon ay nagsasagawa ng special operations ang tropa ng militar nang masabat ang grupo ni Ajang-Ajang.

Nabatid pa na ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pagdukot sa mag-asawang Aleman na sina Victor Okonek at Herike Diesen noong 2014 sa Palawan na itinago sa Sulu.

 

vuukle comment

ABU SAY

ABU SAYYAF

ACIRC

ALAN ARROJADO

ALJIN JAELAN MUNDOK

BEN SAUDI

COMMANDER AJANG

HERIKE DIESEN

JOINT TASK GROUP

NABATID

NINOK SAPARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with