^

Police Metro

Bading inakalang babae pinatay sa gulpi

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mistulang nag-ala Jennifer Laude ang 25-anyos na bading na pinatay sa gulpi ng tatlong senglot na magpipinsan matapos madiskubreng hindi tunay na babae kamakalawa ng gabi sa Barangay Dist.1 sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Kinilala ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP ang napaslang na si Jayson Gonzales na may alyas Mayla na tubong Caranglan, Nueva Ecija.

Nasakote naman ang magpipinsang suspek na nagdala sa biktima sa tabing ilog na sina Angelito Acio, 27; Domingo Gambing, 21; at ang utol nitong si Orlando Gam­bing, 22.?

Pinaniniwalaang na­galit ang mga suspek nang madiskubreng hindi pala katalo ang biktima matapos makapa ang ma­laki nitong ari kaya ginulpi ito at binasag ang bao ng ulo sa pamamagitan ng dos-por-dos saka itinapon sa ilog.?

Nadiskubre ang bang­kay ng biktima na palutang-lutang sa ilog kinabukasan.

Kaagad naman nadakip sa follow-up ope­ration ang magpipinsang suspek na itinuro ng mga nakasaksi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELITO ACIO

ARNOLD BULAN

BARANGAY DIST

CHIEF INSP

DOMINGO GAMBING

JAYSON GONZALES

JENNIFER LAUDE

NUEVA ECIJA

SAN MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with