^

Police Metro

Pangulo ng TODA itinumba

Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pangulo ng samahan ng tricycle at operator nang ito ay barilin sa  likuran ng hindi pa nakikilalang suspek habang pasakay ng kanyang motorsiklo mula sa isang pagpupulong kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ernesto Guerrero, 59, pangulo ng United Federation Tricycle Operator Dri­vers Association (UFTODA), may-asawa at residente ng No. 69-Road 12, NDC Compound, Brgy. 628, Manila.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:45 ng gabi sa tapat ng Manila Triwheel Regulatory Office Compound sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave., Brgy. Paang Bundok ay kagagaling lamang ng biktima sa isang miting na ipinatawag nito sa kanyang mga miyembro.

Papasakay na siya sa kanyang kulay asul na motorsiklo (N0-14978) nang biglang sumulpot ang suspek at barilin sa likuran.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng isang kulay berdeng tricycle na walang plaka.- Ricky Tulipat-

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BONIFACIO AVE

BRGY

DRI

ERNESTO GUERRERO

MANILA TRIWHEEL REGULATORY OFFICE COMPOUND

PAANG BUNDOK

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with