^

Police Metro

Highschool student dedo sa 3 kaklase

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na bumagsak ito sa semento ng kanilang silid-aralan nang makaaway ang tatlong kaklase na ang isa rito ay kanya umanong binu-bully kamakalawa sa Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Rioben Santor, residente ng Saint Mary’s Northville 5-A, Brgy. Caysio sa bayang ito.

Nasa pangangalaga naman ng lokal na DSWD ang nakaaway na mga kaklase ni Santor na itinago sa mga pangalang Butchoy 13, Nonoy 15 at Boyet 14.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga ay katatapos lang kumuha ng pagsusulit ang mga estudyante nang lapitan ni Santor si alyas Butchoy at binatukan.

Nagalit si Butchoy sa biktima at nagpambuno ito at dito ay sinubukan naman nina alyas Nonoy at Boyet na awatin ang dalawa, subalit sila umano ay sinuntok ni Santor.

Kaya’t nakisali na rin sina Nonoy at Boyet na kung saan ay aksidenteng bumagsak sa sementadong sahig ang ulo ni Santor at  nangisay ito.

Kaagad na isinugod si Santor sa ospital subalit nasawi rin ito.

vuukle comment

ANG

BAGBAGUIN

BOYET

BRGY

BULACAN

BUTCHOY

CAYSIO

NONOY

RIOBEN SANTOR

SAINT MARY

SANTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with