^

Police Metro

5 ativan gang members tiklo habang akay ang French national

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nabuking ang limang katao na miyembro ng ativan gang sa gagawin nilang pambibiktima sa isang French national na walang malay nang sitahin sila ng mga pulis sa pag-aakay nila dito kamakalawa sa panulukan ng Rizal Avenue at CM Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jean Soriano Fuentes, 60; Augusto Bajet, 65 at James Soriano, 51, pawang ng no.19 Manunggal St., Tatalon, Quezon City; Gina Pusing, 44, ng no. 19 F Alano Compound, Moonwalk, Parañaque City at Analyn Castro, 37, ng B3 L1 Estehonor, Alabang, Muntinlupa City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay napuna ng mga nagpapatrulyang pulis ang kakaibang kilos ng mga suspek habang inaalala­yan ang walang malay na biktima kaya’t sinita at dinala siya sa presinto.

Hindi maipaliwanag ng mga suspek kung bakit tulog ang biktima na kinilalang si Adiren Aertsens, 34, nanunulu­yan sa Wanderers  Guest House sa no. 1750 Adriatico St., Malate, Maynila kaya’t pinigil sila at hinintay kinabukasan.

Nang magising ang biktima ay nagsalaysay ito na siya ay kinaibigan ng mga suspek at niyaya na mag-inuman sa isang restaurant sa Quiapo at doon nilagyan ng pampatulog ang kanyang iniinom.

Naibalik ang mga gamit na kinuha sa mga suspek subalit nawawala ang 800 Euros na nasa bulsa nito.

vuukle comment

ACIRC

ADIREN AERTSENS

ADRIATICO ST.

ANALYN CASTRO

ANG

AUGUSTO BAJET

F ALANO COMPOUND

GINA PUSING

GUEST HOUSE

JAMES SORIANO

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with