^

Police Metro

2 ginang na galing sa money remittance, pinagbabaril

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang misis habang isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng tricycle ang mga suspek na naka-motorsiklo at  ta­ngayin ang kinuhang pera sa isang money remittance na naganap kamakalawa sa Bulihan Road, Silang, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Gemelyn Radam 27, may-asawa, residente ng Excess Lot, Brgy. Yakal, Silang, Cavite.

Malubha naman nasu­gatan ang kasamahan nitong si May Ann Alonzo, 30, residente ng Blk. 37, Lot 13, AFP Bulihan ng nasabi ding bayan.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaril sa dalawang ginang dakong alas-6:15 ng gabi ay kumuha ng pera si Radam sa isang money remittance na nagkakahalaga ng P30,000.00.

Sumakay ang dalawa sa isang tricycle (VM-1207)  na minamaneho ni Dominador La Rosa at habang buma­bagtas sa lugar ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga suspek at nasapol sa ulo si Radam at tinangay ang bag nito na may laman ng nasabing halaga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BULIHAN ROAD

CAVITE

DOMINADOR LA ROSA

EXCESS LOT

GEMELYN RADAM

MAY ANN ALONZO

RADAM

SILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with