^

Police Metro

Ginang ginilitan ng lover

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na ginang ang natagpuang patay matapos na gilitan sa leeg ng kanyang live-in partner sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City kamakalawa.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Mary Ann Calisaan, 35, ng #469 Dulong Tangke Street, Malinta, ng naturang lungsod.

Naaresto agad ang suspek na si Melton Dela Cruz, 38, tricycle driver na kinasuhan ng murder.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ni Calisaan na duguang nakahiga sa sofa siyam na taong gulang na pamangkin nito matapos na magtamo ng tatlong mahabang sugat sa leeg at mga pasa sa magkabilang braso.

Bago natagpuang patay ang biktima ay nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng suspek sa hindi pa batid na dahilan.

Nakuha sa crime scene ang patalim na ginamit sa krimen at isang stuffed toy na teddy bear sa ibabaw ng bangkay ng biktima at ang kamiseta ng suspek na may bahid ng dugo.

Ang suspek ay nadakip dakong alas-3:00 ng hapon nang makipagkita ito sa mga kaanak sa may simbahan ng San Diego de Alcala sa Brgy. Poblacion 1, Brgy. Polo.

vuukle comment

ALCALA

ANG

BATAY

BRGY

CALISAAN

DULONG TANGKE STREET

ISANG

MARY ANN CALISAAN

MELTON DELA CRUZ

SAN DIEGO

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with