^

Police Metro

Panaderya nasunog: 5 patay, 1 nawawala

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lima-katao ang namatay samantalang isa ang nawawala matapos masunog ang isang panaderya sa bayan ng Taal, Batangas kahapon ng madaling araw.

Ayon sa police report, nagsimula ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling araw matapos matalsikan ng apoy ang second floor ng panaderya mula sa sumabog na electrical wiring sa tapat ng Raiylens Bakery sa Barangay Bihis.

Si Gerry Paz na sinasabing nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay kinilala ang kanyang anim na kasamahan na nakulong sa loob ng panaderya na sina Bea Lunaflor, Renelyn Teoxon, Ruffa Fortes, Rosebee Cadiong, Josie Afable, at si Jomarie Bernales.

Gayon pa man, hindi pa naman makilala ang limang katawang narekober dahil sa sunog na sunog ang mga ito.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fireout Bandang alas-4:45 ng madaling araw.

Kinikilala pa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga bangkay na narekober sa loob ng panaderyang nasunog.

vuukle comment

ANG

BARANGAY BIHIS

BEA LUNAFLOR

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JOMARIE BERNALES

JOSIE AFABLE

MIMAROPA

RAIYLENS BAKERY

RENELYN TEOXON

ROSEBEE CADIONG

RUFFA FORTES

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with