^

Police Metro

Rebelde todas, 4 sugatan sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang apat nitong kasama ang grabeng nasugatan nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Brgy. Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental kamakalawa.

Narekober ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang rebelde sa pagpapatuloy ng  clearing operation ng mga sundalo kahapon ng umaga sa lugar ng engkuwentro.

Ayon kay Captain Alberto Caber, Chief ng AFP-Eastern Min­danao Command (AFP-Eastmincom) bandang alas-10:00 ng umaga ay nagsasagawa ng security patrol  ang Army’s 58th Infantry Battalion (IB), 4th Infantry Division (ID) nang masagupa ang nasa 30 rebelde na nagbunsod ng bakbakan.

Ang mga nasabing rebelde ay pinamumunuan ng isang alyas Ka Budo na sangkot sa extortion sa mga negosyante at maging  sa mga pangkaraniwang residente sa lugar.

Tumagal ng isang oras ang palitan ng putok na  ikinasawi ng isang rebelde habang apat pa sa malubhang nasugatan ang binitbit ng mga nagsitakas na kalaban.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APOSKAHOY

CAPTAIN ALBERTO CABER

EASTERN MIN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA BUDO

MGA

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with