^

Police Metro

10 lugar signal 2 kay ‘Chedeng’

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bahagyang bumilis ang Bagyong Chedeng habang papalapit sa bahagi ng Isabela, Aurora na nasa Signal # 3.

Batay sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas-11:00 kahapon ng umaga, hu­ling namataan ang bagyo sa layong 450 kilometro silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin ng bag­yong Chedeng ang lakas ng hanging umaabot sa 130 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kph.

Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 22 kph.

Dumami na ang mga lugar na nasa Signal # 2 tulad ng Isabela; Southern Cagayan; Kalinga; Mountain Pro­vince; Ifugao; Benguet; Nueva Vizcaya; Quirino; Aurora; at Catanduanes.

Nasa Signal #1 naman ang natitirang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Island; Apayao; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Abra; La Union; Panga­sinan; Nueva Ecija; Tarlac; Pampanga; Bulacan; Rizal; Quezon; Camarines Norte; at Camarines Sur.

Babala pa ng PAGASA, posible ang storm surge o biglaang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat ng hanggang 2 metro sa eastern coast ng Aurora, Quezon at Isabela.

Kaya naman ay libu-libong residente sa mga mababang lu­gar  na  malalapit sa bay­baying dagat at pampang ng mga ilog ang inilikas na kaugnay ng preemptive evacuation sa mga lugar na maapektuhan ng paghagupit ng bagyong Chedeng bilang bahagi ng precautionary measures ng pamahalaan kaugnay ng ipinag-utos na ‘zero casual­ty’ ni P-Noy kay Chedeng.

Nabatid na sa Baler, Aurora na tinutumbok ni Chedeng ay nasa 4,373 katao na ang inililikas na ng mga kinauukulang opisyal sa lalawigan.

Ang lalawigan ng Aurora ay isang popular na destinasyon ng mahihilig sa ‘surfing’ na ipinahinto muna gayon din ang pagswi-swimming ng mga turista  at residente dito.

Linggo ng umaga, ina­asahang magla-landfall si Chedeng sa Southern Isabela at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes, Abril 6.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABUYAN ISLAND

BAGYONG CHEDENG

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CHEDENG

ILOCOS NORTE

ISABELA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with