^

Police Metro

Alitan sa lupa: Lolo pinabulagta

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinumba ang isang  70-anyos na lolo habang sugatan naman ang mister na nakasaksi sa pangyayari nang pagbabarilin ang una ng mga armadong kala­lakihan na kaaway nito sa lupa sa Remedios T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Sergio Barbaso, magsasaka at residente ng Brgy. San Jose, Kalawit ng lalawigan ay dead-on-the-spot bunsod ng mga tama ng bala ng shotgut sa katawan. Sugatan naman si Ronald Wong na nagawang makatakas.

 Batay sa imbestigasyon ng pulisya ang insidente ay naganap sa lupang taniman ng biktima sa Brgy. J.S. Perfecto ng bayang ito dakong alas-4 ng hapon. Abala umano ang biktima sa pagtatanim ng biglang dumating ang suspek na si Nicolas Queso, 50, kasama ang dalawa pang armadong di kilalang kalalakihan.

Mabilis na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima habang nagkataon namang napadaan sa lugar ang saksing si Wong na tinarget din ng mga suspek subalit masuwerteng nakaligtas.

Malaki ang posibilidad na alitan umano sa lupa ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ABALA

BATAY

BRGY

NICOLAS QUESO

REMEDIOS T

RONALD WONG

SAN JOSE

SERGIO BARBASO

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with