^

Police Metro

Dalaga ni-rape/slay sa bahay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob mismo ng bahay natagpuang patay ang isang 24-anyos na dalaga na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa
San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Robin Jacque Ong, ng Barangay Batis sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng
gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang ina na si Josefina na patay ang anak sa loob ng kuwarto nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, na ang biktima ay posibleng ginahasa dahil nakahubad ito mula
beywang pababa at posibleng nanlaban sa suspek dahil sa nakitang sugat
sa kamay at ulo na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Hinala ng pulisya na maaaring natutulog ang biktima nang pasukin ito sa kanyang kuwarto, saka hinalay at posibleng nanlaban  kaya pinatay.

Isinailalim sa medico legal upang mabatid kung may laceration ito.

vuukle comment

BARANGAY BATIS

BATAY

BIKTIMA

HINALA

ISINAILALIM

JOSEFINA

ROBIN JACQUE ONG

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with