^

Police Metro

Durugistang mister sinunog ang sarili

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng isang ginang na epekto ng bawal na droga ang dahilan nang paglitson ng kanyang live-in-partner sa loob ng kanilang kuwarto kahapon ng umaga sa Pasig City.

Natagpuan na wala nang buhay dahil sa tinamong lapnos sa buong katawan ang biktima na kinilalang si Reynaldo Galco, 57 ng #194 Pagasa St., Barangay Kalawaan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang magkulong sa kanyang kuwarto ang biktima na kung saan ay nagbuhos umano ng gas bago silaban ang sarili sa pamamagitan ng posporo.

Mabilis na nakares­ponde ang mga tauhan ng Pasig City Fire District kaya hindi na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at tanging ang biktima at kuwarto lamang nito ang nasunog.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Lucila Ebo­na, limang araw ng hindi ito natutulog na sumi­sigaw, nagsasalita ng mag-isa na may humahabol sa kanyang pulis at huhulihin.

Nabatid din kay Lucila na kalalabas lamang kamakailan ng biktima sa rehabilitation center dahil sa pagkagumon sa paggamit ng  ipinagbabawal na droga.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng masusing im­bestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng sunog.

vuukle comment

AYON

BARANGAY KALAWAAN

BATAY

LUCILA

LUCILA EBO

PAGASA ST.

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DISTRICT

REYNALDO GALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with