^

Police Metro

Brgy. treasurer utas sa magnanakaw

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang polio victim na barangay treasurer nang pasukin ang kanyang bahay ng magnanakaw at pagsasaksakin kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Arlene Mediavilla, 39-anyos, treasurer ng Barangay 390, Zone  40, District 3 at residente no.913 R. Hidalgo St., Quiapo.

Sa salaysay ng kaibigan ng biktima na si Sarah Torres dakong alas-9:45 ng gabi ay  nagtungo siya sa bahay ng biktima upang makipagkuwentuhan nang sa pagbungad niya sa pinto ay nakakalat ang mga kagamitan habang ang biktima ay nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Sinabi rin ng mga kapitbahay sa pulisya na wala silang narinig ng anumang komosyon.

Hinala ng pulisya na posibleng nanlaban ang biktima sa mga suspek na pumasok sa kanyang bahay.

vuukle comment

ARLENE MEDIAVILLA

BAHAY

BIKTIMA

HIDALGO ST.

HINALA

MAYNILA

NATAGPUANG

SARAH TORRES

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with