^

Police Metro

Binoga habang nagpapahinga

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magpapahinga na ng habambuhay ang isang cons­truction worker matapos na ito ay barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakaupong nagpapahinga kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si  Jerelie Bustamante, 34.

Ang suspek ay inilarawan ng mga testigo na nasa edad 30-35, nakasuot ng itim na t shirt, short pants, at cap na may tatak na Red Bull.

Batay sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon sa may Santan St., Brgy. Batasan Hills ay nagpapahinga na nakaupo ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Kaswal lang na naglakad palayo ang suspek nang masigurong hindi na mabubuhay pa ang biktima.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BATAY

BRGY

JERELIE BUSTAMANTE

KASWAL

MAGPAPAHINGA

QUEZON CITY

RED BULL

SANTAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with