^

Police Metro

Brutal na video dagok sa BBL

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaking dagok sa Bangsamoro Basic Law ang lumabas na video sa social media na umaabot na sa mahigit 1 milyon views na kung saan ay makikita ang brutal na pagpaslang sa ilang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sinabi ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, mas­yadong nakakagalit ang laman ng lumabas na video kung paano brutal na pinaslang ang ilang miyembro ng PNP-SAF na binaril ng malapitan kahit buhay pa.

Hindi pagmasaker kung hindi execution ang ginawa laban sa PNP-SAF trooper.

Isa si Ejercito sa mga senador na umatras ng suporta sa pagpasa ng BBL at nawala na ngayon ang tiwala ng mayorya ng senador sa senseridad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Maging si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ay nagsabing nakakapangilabot, at nakakasuklam ang laman ng video.

Kinondena rin ng pamunuan ng PNP ang nasabing video na masasabing sadyang pinatay ang mga suga­tang SAF trooper na makikita sa anim na minutong video na sugatan at buhay pa ay malapitang binaril sa ulo.- Malou Escudero, Joy Cantos-

vuukle comment

BANGSAMORO BASIC LAW

BONGBONG

EJERCITO

ENERO

JOY CANTOS

MALOU ESCUDERO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

SENATOR JOSEPH VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with