^

Police Metro

Parak patay sa lalaking may sayad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagmistulang ba­yani ang isang pulis nang mabaril ito at napatay ng isang lalaki nang-agaw ng baril sa isang sekyu ng mall matapos rumes­ponde kahapon sa Santa Rosa City, Laguna.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO1 Ariel Abordo na nagtamo ng tama ng bala sa katawan. Habang napatay din ang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan na umano ay may sayad.

Sa ulat na natanggap ni Supt. Pergentino Ma­labed, hepe ng Santa Rosa City Police, dakong ala-1:00 ng hapon ay bigla na lamang inagaw ng suspek ang baril ng sekyu na may apel­yidong Ibasco na nagbabantay sa isang kilalang mall na matatagpuan sa Brgy. Tagapo ng lungsod. dakong ala-1:00 ng hapon.

Nang makita ni Abordo ang komosyon ay mabilis itong napatakbo upang saklolohan ang guwardiya. Pero bago pa man ito makalapit ay pinagbabaril na siya ng suspek.

Napilitan naman si PO3 Reynante Ingresol, kasamahan ni Abordo na paputukan ang suspek na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

ABORDO

ARIEL ABORDO

BRGY

HABANG

IBASCO

PERGENTINO MA

REYNANTE INGRESOL

SANTA ROSA CITY

SANTA ROSA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with