^

Police Metro

Taxi driver hinoldap ng pasahero

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi akalain ng isang taxi driver na ang isasakay niyang pasahero ang siyang tatangay ng kanyang kinita kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Leo Ragala, 42, ng  Salanad Compound, Barangay Baesa, Quezon City.

Ang insidente ay naganap alas-2:45 ng madaling araw kung saan pinapasada ng biktima ang Chill taxi (RMK-221) nang parahin siya ng dalawang kalalakihan sa may Ayala Avenue, Makati City at  nagpahatid sa  area ng Maynila.

Ngunit pagdating nila ng Osmeña Highway (dating South Super Highway), Brgy. San Antonio, Makati City, biglang naglabas ng patalim ang mga suspek at ang isa dito ay nagpakilala pa na anak siya ng isang pulis.

Tinangay ng mga suspek ang kanyang kinita na nagkakahalaga ng P2,230.00 at saka mabilis na bumaba at mabilis na sumakay muli sa nakaantabay na motorsiklo na walang plaka.

Agad naman na nag-report ang biktima sa himpilan ng Makati City Police upang ireklamo ang sinapit nito.

vuukle comment

AYALA AVENUE

BARANGAY BAESA

LEO RAGALA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

QUEZON CITY

SALANAD COMPOUND

SAN ANTONIO

SOUTH SUPER HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with