^

Police Metro

Umbagerong tatay pinatay ng bagets na anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napuno na ang pagti­timpi ng isang 16-anyos na anak sa umbagero niyang tatay nang gumanti ito at barilin ang ama habang siya ay ginugulpi sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Agutayan, Buug,  Zamboanga Sibugay.

Namatay noon din ang biktimang si Roland Relien Deserdo alyas Lando, 45-anyos, rubber tapper dahil sa tinamong tama ng shotgun sa katawan.

Kusang loob na sumuko sa pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Totoy, estudyante na hindi kinakitaan ng pagsisisi sa kaniyang ginawang krimen.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi sa tahanan ng pamilya Deserdo sa Purok 4 ay galing sa Zamboanga City ang biktima na mainit ang ulo nang umuwi ng bahay.

Agad  na pinasalubu­ngan ng biktima ng bugbog ang anak na walang anumang dahilan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na tuwing mainit ang ulo ng matandang Deserdo ay pinagbubuntunan nito ng galit ang anak na si Totoy at palaging binubugbog lalo na kapag nakakagawa ng munting pagkakamali.

Nagbanta ang anak sa tatay na papatayin ito kaya napilitan ang una na  umalis muna ng bahay.

Umuwi ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi para maghapunan, subalit muli itong ginulpe ng ama.

Nagdilim ang isip ng suspek at inagaw ang shotgun na inihahataw ng ama saka binaril ito sa katawan.

Nakatakdang i-turnover sa kustodya ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang suspek.

vuukle comment

AGUTAYAN

AYON

BATAY

DESERDO

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ROLAND RELIEN DESERDO

TOTOY

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with