^

Police Metro

Misis, anak inatado ng ex-lover

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang ginang habang nasugatan ang 3-anyos nitong anak matapos na sila ay ataduhin nang saksak ng dati nitong lover naganap kamakalawa sa Queensrow  Subdivision, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Mylene Justiniani 31, ng Blk. 20, Lot 30 Sampaguita St., Brgy. Queensrow West, Bacoor. Habang ang anak nitong si Jack Dondoyano, 3, ay nasugatan.

Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Alvin Dondoyano nasa hustong gulang, driver ng multicab at residente ng Brgy. Queensrow East.

Batay sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mag-ina nang sila ay parahin ng suspek para mag-usap tungkol sa naririnig nitong tsismis na may bago itong manliligaw.

Pinabulaanan ito ng ginang na hindi pinaniwalaan ng suspek hanggang sa magkaroon ng matin­ding pagtatalo na nauwi sa pisikal.

Napahiya ang suspek sa mga nakakita kung kaya’t kinuha nito ang nakatagong patalim at sinaksak ang mag-ina.

Nabatid na dating magkarelasyon ang dalawa at anak ng suspek si Alvin.

vuukle comment

ALVIN

ALVIN DONDOYANO

BACOOR CITY

BRGY

JACK DONDOYANO

MYLENE JUSTINIANI

QUEENSROW EAST

QUEENSROW WEST

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with