^

Police Metro

Laguna drug bust: 2 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang drug pusher na nasa wanted list at isang sibilyan habang isang pulis ang nasugatan nang mauwi sa shootout ang buy bust operation kamakalawa sa isang resort sa Brgy. Lewin, Lumban, Laguna.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina John Aristotle Juaño, nasa wanted list sa talaan ng mga notoryus na drug pusher at sibilyang si Virgilio Villarin na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril ng una.

Nasugatan naman ang pulis na si PO2 Juanito  Bacsal Jr., nasa hustong gulang, miyembro ng Lumban Police Station.

Batay sa ulat, bago nangyari ang barilan dakong alas-4:30 ng sa Villa Samonte Resort sa nasabing lugar ay nagsagawa ng buy bust operations  sa sina Bacsal at PO1 Glicerio Cruzen na umaktong poseur buyer.

Matapos na makipag-deal si Cruzen sa suspek at  habang iniaabot ang ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P 12,000 ay nagpakilalang pulis ang una at  kinumpiska ang baril ng suspek.

Gayunman may nakatago pa palang isa pang armas si Juaño na pumalag at nagpaputok ng baril kung saan tinamaan ang sibilyang si Villarin at ang sugatang operatiba.

Napilitan naman  ang isa pang mga kasamahan na tinukoy lamang sa apelyidong PO3 Galang   na nagsisilbing perimeter security na barilin ang suspek na napuruhan sa insidente.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang  tatlo pero idineklarang dead-on-arrival ang suspek at ang sibilyang si Villarin.

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang hindi lisensyadong ARMSCOR cal. 45, isang wala ring lisensyang cal. 38 revolver na gamit ng suspek, mga bala, cartridge ng armas  at ang marked money na ginamit sa buy bust operations.

vuukle comment

BACSAL

BACSAL JR.

GLICERIO CRUZEN

JOHN ARISTOTLE JUA

LUMBAN POLICE STATION

VILLA SAMONTE RESORT

VILLARIN

VIRGILIO VILLARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with