^

Police Metro

Pulis dinakip sa indiscriminate firing

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga pulis ang isa nilang kabaro ng ireklamo nang panunutok ng baril sa isang rider na kanyang hinarang kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si PO2 Christian Garcia, nakatalaga sa Southern Police District (SPD), residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City at nakakulong na sa detention cell ng Pasig City police.

Sa ulat, bago nangyari ang panunutok ng pulis dakong alas-9:45 ng gabi sa biktimang si Albert John Vista, 24, binata sa Pinalad Road, Centennial 2 ay sakay siya ng kanyang motorsiklo at pauwi ng kanilang bahay nang harangin ni PO2 Garcia na nag-iinuman sa kalsada kasama ang ilang kala­lakihan.

Dito ay pinagmumura ng suspek ang biktima  at binunot ang baril at itinutok sa huli na sa takot ay pinaharurot ang motorsiklo at kasunod ang sunod-sunod na putok ng baril.

Isinumbong ng biktima sa kanyang ama ang pangyayari na humingi ng ayuda sa pulisya at nang respondehan ay inaresto ang suspek.

vuukle comment

ALBERT JOHN VISTA

BARANGAY PINAGBUHATAN

CHRISTIAN GARCIA

DINAKIP

DITO

GARCIA

PASIG CITY

PINALAD ROAD

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with