^

Police Metro

Umbagerong lover utas sa misis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos na ng isang misis ang pagi­ging martir sa ginagawang panggugulpi sa kanya ng live-in-partner sa tuwing ito ay problemado sa pera kung kaya’t sinaksak niya ito hanggang sa mapatay naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Berto Itum, ng Block 216, Lot 36, Phase 8, Brgy. North Fairview sa lungsod.

Agad nasakote ang suspek na si Maria Lavenia Torres, 32, na nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ay narinig ng ilang kapitbahay ang pagtatalo ng mag-asawa at narinig nila ang lalaki na sumisigaw sa suspek na subukan nito.

Ilang sandali ay nakita nila ang biktima na luma­labas ng kanilang bahay na umaagos ang dugo sa kanyang dibdib saka bumuwal sa kalsada.

Ilang sandali ay kasunod ang suspek na armado ng patalim at muling sasaksakin ang biktima, subalit napigilan ito ng kapitbahay.

Ayon sa pahayag ng kaanak ng suspek na madalas anyang nagtatalo sila ng biktima hingil sa pera, lalo pa at nawalan ng trabaho bilang construction worker at may pinapakaing limang anak ang biktima.

Ito ang dahilan kaya’t madalas nagugulpi ang suspek na posibleng hindi na natiis kaya’t nagawang patayin ang mister.

vuukle comment

AYON

BATAY

BERTO ITUM

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ILANG

MARIA LAVENIA TORRES

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with