^

Police Metro

Hindi nakaya ang kurot ng konsiyensiya... Misis pinatay, mister naglaslas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa hindi maka­yanang kurot ng konsi­yensiya matapos na patayin ang sariling misis ay tinapos ng isang 50-anyos na mister ang buhay nang laslasin nito ang kanyang pulso kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Tala Hospital dahil sa pagkaubos ng dugo ay kinilalang si Armando Deocariza, jobless, at residente ng no. 241 Camia Street, Malaria, Tala.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang maalimpungatan ang isang Jayson Alvarado  nang marinig ang nami­milipit na boses ng biktima na kanyang tiyuhin.

Kaya’t binuksan nito ang ilaw at nakita ang tiyuhin na umaagos ang dugo habang katabi ang isang labaha kaya’t ito ay dinala sa ospital na idineklarang patay pagkalipas ng isang oras.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Archie na napatay ng kanyang ama sa saksak ang kanyang ina noong nakaraang Agosto sa kanilang bahay sa Lupi, Camarines Sur.

Tinangka ring magpakamatay ng naturang araw ni Armando nang saksakin ang sarili ngunit nagawang makaligtas nito sa kamatayan.

Nabatid din na dalawang araw pa lamang nakakaluwas sa Caloocan City ang suspek ngunit patuloy pa ring kinukurot ng kanyang konsiyensya.

vuukle comment

AGOSTO

ARMANDO

ARMANDO DEOCARIZA

BATAY

CALOOCAN CITY

CAMARINES SUR

CAMIA STREET

JAYSON ALVARADO

TALA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with