^

Police Metro

Bus salpok sa pader: 4 utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat na pasa­hero kabilang  ang 3 bata  habang 31 pa ang nasugatan matapos ang sinasakyan nilang bus ay sumalpok sa pader naganap kamakalawa sa Albay.

Ang mga biktima na idineklarang dead on arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ay kinilalang sina Grace Ann Abrigo, 8; kapatid nitong si Maria Georgina, 7; Ryan Percival, 4; pawang residente ng Brgy. Salvacion, Pilar; at ang titser na si Princess Dichoso, 26-anyos na dalawang buwan buntis ng Capoy, Sorsogon.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay binabaybay ng Dondon Bus Liner na galing Sorsogon ang pa­kurbang bahagi ng national highway sakop ng Brgy. Kimantong, Daraga nang maputol ang mol­ye nito.

Nagloko ang takbo ng bus at tumagilid bago humampas ang likurang bahagi nito sa pader na kung saan nandoon nakaupo ang mga nasawi.

Ang driver ng bus na si Rommel San Buenaventura ay nasa kustodiya ng pulisya at nakatakdang kasuhan.

vuukle comment

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRGY

DONDON BUS LINER

GRACE ANN ABRIGO

LEGAZPI CITY

MARIA GEORGINA

PRINCESS DICHOSO

ROMMEL SAN BUENAVENTURA

RYAN PERCIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with