^

Police Metro

3-anyos nalunod, patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang tatlong taong gulang na lalaki nang mahulog at malunod sa isang hukay na puno ng tubig, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Isinugod pa ng kanyang ina sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktimang si Antonio Luis Garcia, ng no. 9 Suha Bilog, Brgy. Balangkas, ng naturang lungsod, ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang batang si Antonio Luis dakong alas-3:05 ng hapon na naglalaro kasama ang nakababatang kapatid na babae malapit sa isang tubigan sa naturang lugar.

Napalapit umano sa tubigan ang bata hanggang sa malaglag.  Pinuntahan naman ng kanyang kapatid ang kanilang ina at isinumbong ang nangyari. Mabilis na sumaklolo ang ina na si Catherine at mga kasamahan kaya naiahon ang biktima na napailalim na sa tubig.

Tinangka pang bigyan ng paunang lunas ang biktima ngunit nabigo kaya isinugod na ito sa pagamutan. Pumirma naman ng waiver ang ama ng bata para hindi na isailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima.

vuukle comment

ANTONIO LUIS

ANTONIO LUIS GARCIA

BALANGKAS

BRGY

ISINUGOD

MABILIS

NAPALAPIT

SUHA BILOG

VALENZUELA CITY

VALENZUELA EMERGENCY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with