^

Police Metro

Kotse ng reporter nakarnap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sinanto ng mga kilabot na karnaper ang isang reporter ng TV5 matapos na tangayin ang kotse nito kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima ay kinilalang si Jeff Caparas, reporter ng TV5 at residente sa Quezon City.

Nadiskubre ni  Caparas na nawawala na ang kanyang Honda Civic ESI (TNT-673) dakong alas-5:30 ng umaga kung saan ipinarada niya ito sa panulukan ng Timog Avenue at Jamboree St.

Ayon kay Caparas, alas-10 ng Huwebes ng gabi nang kampante niyang iparada ang natu­rang sasakyan sa nasabing lugar na madalas na niyang ginagawa, ilang metro lamang ang layo sa tinutuluyang condominium.

Subalit nang balikan ni Caparas ang sasakyan ay tanging bubog na lamang ang kanyang nadatnan at nawawala na ang mismong kotse nito kaya agad niya itong ipina-blotter.

Samantala, ilang minuto pa lamang ang nakakalipas matapos magpa-blotter ay nakatanggap na ng tawag ang istasyon ng pulisya na posibleng ang kotseng natagpuan sa may bahagi ng Brgy. Sacred Heart, partikular sa Scout Rallos at Scout Ybardoloza ay pag-aari ng biktima na nang makita  nito ay nakumpirma naman.

Dagdag ni Caparas, umaabot sa P200,000 ang halaga ng mga accessories na nakakabit sa kanyang kotse, tulad ng stereo, at speaker, bukod pa ang wiper at side mirror.

Posible aniyang naalarma ang mga carnapper nang malamang pag-aari ng media ang sasakyan kung kaya hindi na nagawang katayin ang buong piyesa nito. Patuloy ang imbes­tigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

CAPARAS

HONDA CIVIC

JAMBOREE ST.

JEFF CAPARAS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SACRED HEART

SCOUT RALLOS

SCOUT YBARDOLOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with