^

Police Metro

Sanggol pinatay ng sariling nanay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi pa umalingasaw ang baho ay hindi matutuklasan ang karumal­dumal na pagpatay sa isang 2 buwang anyos na sanggol na lalaki ng kanyang 15-an­yos na ina na naganap kamakalawa sa liblib na lugar sa Brgy. Ngan,  Compostela Valley

Ayon kay Compostela Valley Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Abraham Rojas, dakong alas-2:00 ng hapon isang concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya sa nadiskubreng naagnas na bangkay ng isang sanggol na lalaki sa nasabing lugar.

Nabatid na ang sanggol na kung tawagin ng kanyang lolong si Nildo Mancio ay Baby Boy ay nawawala noon pang nakalipas na linggo matapos na dalhin ng ina nitong itinago sa pangalang Mimi.

Bago ang pagkakatuklas sa bangkay ay nakita ng ilang residente noong gabi ng Agosto 22 si Mimi na nagtungo sa sagingan bitbit ang kanyang 2 buwan at 23 araw na sanggol.

Nang tanungin si Mimi ng kaniyang amang si Nildo ay sinabi nitong ipinaampon na niya ang anak sa isa kaibigan sa Brgy. Sasa, Davao City para wala na umanong problema sa pag-aalaga dito.

Hindi naman natagpuan ng mga magulang ni Mimi ang apo sa kabila ng paghahanap nila sa kanilang apo sa loob ng ilang araw.

Nang tunguhin ng pulisya ang lugar kung saan inilibing sa isang mababaw na hukay ang sanggol na tinabunan pa ng dahon ng saging at binusalan ng pu­ting tela ang bibig ay nakumpirma ni Mang Nildo na ito ang kaniyang apo dahilan sa suot nitong damit at feeding bottle  sa tabi ng bangkay.

Tumakas si Mimi na kung saan kapag nadakip ay nakatakdang ipasuri upang mabatid kung nasisiraan ito ng pag-iisip ng gawin ang krimen.

vuukle comment

ABRAHAM ROJAS

BABY BOY

BRGY

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

DAVAO CITY

MANG NILDO

MIMI

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with