^

Police Metro

Taxi driver na holdaper umatake

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ginang ang hinoldap mismo ng taxi driver na kanyang sinak­yan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ayon sa pahayag sa pulisya ng biktima na si Luzviminda Marcos, 45, dakong alas-9:30 ng gabi ay sakay siya ng taxi na hindi na nakuha ang plaka at pagsapit sa Sangandaan ay pumara ang isang lalaki na hinintuan naman ng driver.

Nagulat ang biktima nang hayaan ng taxi dri­ver na makapasok sa loob ng sasakyan ang lalaki na kung saan ay tinutukan siya nito ng patalim at sapilitang tinangay ang P29,000 cash na gagamitin sana nito sa pamamakyaw ng isda.

Nang malimas ang pera ay sapilitang pinababa ng mga holdaper ang biktima  sa taxi at mabilis na humaharurot.

Ayon sa biktima na naging aral sa kanya ang insidente kung kaya’t sa susunod na sumakay ng taxi ay agad na kukunin ang plaka at body number nito.

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

ISANG

LUZVIMINDA MARCOS

NAGULAT

NANG

SANGANDAAN

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with