^

Police Metro

Doktor pinagnakawan, pinatay sa van

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na doktor ang natagpuang patay kahapon ng umaga sa loob ng kanyang Starex van na nakaparada sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Rolando Custodio, residente ng Brgy. San Nicolas Bacoor City, Cavite. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima na nakapiring ang mga mata sa loob Starex van  (WFF-535) na nakaparada sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang motibo ng pagpatay sa biktima ay pagnanakaw dahil sa nawawala ang mga pera, alahas at mga kagamitan nito sa loob ng van.

Narekober ng pulisya sa loob ng van ang 2 pi­raso ng empty shells ng cal 45 na siyang hinihinalang ginamit sa pagpatay ng mga suspek sa biktima.

Nabatid na ilang araw na hindi umuwi ng kanilang bahay ang biktima.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

ISANG

NABATID

ROLANDO CUSTODIO

SAN NICOLAS BACOOR CITY

STAREX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with