^

Police Metro

Faith healer na pumalpak sa gamutan,itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagpalpak umano na paggamot ng isang faith healer ang naging dahilan ng kamatayan nito matapos na siya ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Brgy.Barubuhan, Sominot, Zamboanga del Sur.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Damaso Andales, 55, isang dinarayong faith healer na naninirahan sa Purok 2, Brgy. Barubuhan, Sominot ng lalawigan.

Sinabi ni Inspector Felixberto Briones, hepe ng Sominot Police, naganap ang pamamaslang sa biktima sa naturang lugar dakong alas-7:47 ng gabi.

Naganap ang insidente may 30 metro ang layo sa tahanan ni Trinidad Superales sa nasabing lugar kung saan kukunin sana ng biktima ang kaniyang jacket nang sumulpot ang salarin at harangin ito sa daan.

Bigla na lamang pinagbabaril ng salarin ang biktima na nasapul ng tama ng bala sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinasawi.

Nabatid na ang biktima ay marunong gumamot ng kulam at marunong rin umanong mangkulam na posibleng may nasagasaan at niresbakan ito.

 

vuukle comment

BARUBUHAN

BIGLA

BRGY

DAMASO ANDALES

INSPECTOR FELIXBERTO BRIONES

NABATID

NAGANAP

SOMINOT

SOMINOT POLICE

TRINIDAD SUPERALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with