^

Police Metro

Habang susundo ng anak sa iskul... Opisyal ng Maguindanao, tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang provincial planning officer ng Maguindanao nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem habang hinihintay ang kaniyang anak na sinusundo nito sa eskuwela kamakalawa ng hapon sa  Cotabato City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Sadat Pandalat, 48-anyos, nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni  Sr. Supt. Rollen Balquin, hepe ng Cotabato City, dakong alas-4:10 ng hapon ay kararating lamang ng biktima sa labas ng eskuwelahan at ipinarada ang kaniyang sasakyan sa Datu Odin Sinsuat Avenue para sunduin ang paglabas ng anak nang sumulpot ang mga suspek.

Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril ito nang sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta.

vuukle comment

ANAK

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT AVENUE

MAGUINDANAO

NANG

PAGTAPAT

ROLLEN BALQUIN

SADAT PANDALAT

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with