^

Police Metro

Leptospirosis lolobo ngayong tag-ulan-DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na lolobo ang bilang ng kaso ng leptospirosis ngayon panahon ng tag-ulan.

 Kasabay nito ay nagbigay ng babala si Health Undersecretary  Eric Tayag, Director ng National Epidemiology Center (NEC) sa publiko na mag-ingat sa nasabing sakit.

Ayon kay Tayag, asahan na ang pagdami ng mga tatamaan ng leptos­pirosis at iba pang sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Sinabi ng opisyal na inatasan na ang mga  ospital ng pamahalaan na maging handa at unahin  ang mga pasyenteng  infected ng mga sakit dahil sa pagbaha.

 â€œLeptospirosis cannot just be treated at home so we advise patients to immediately seek medical treatment once they have been exposed to flood and manifested symptoms of the infection”, paliwanag ni Tayag.

Karaniwan nang nakakaramdam ng  pamamanhid, mapulang mata,  naninilaw na balat at  pagkakaroon ng kulay-tsaa ang ihi.

Upang makaiwas sa leptospirosis, pinayuhan ni Tayag ang publiko na manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha. Ang nasabing sakit ay nakukuha sa ihi ng daga.

 

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

ERIC TAYAG

HEALTH UNDERSECRETARY

INIHAYAG

KARANIWAN

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with