^

Police Metro

Mangingisda sinagpang ng buwaya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinagpang ng isang buwaya ang isang mangingisda habang ito ay nasa ilog sa bayan ng Bataraza, Palawan kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Roel Ja­hani, 30, residente ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza na ang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi nang matagpuan ng kanilang kapitbahay ang biktima na may mga malalalim na sugat at pagkaputol ng ilang bahagi ng katawan na hinihinalang sanhi ng pag-atake ng buwaya.

Bagaman walang nakasaksi sa pangyayari ay naniniwala ang mga residente na ang umatakeng buwaya ang nasa likod ng pagkamatay ng biktima.

Ilang residente rin umano ang nakakita sa paglutang ng malaking buwaya sa malalim na bahagi ng ilog kaya iniwasan nilang maglangoy dito dahilan sa takot.

vuukle comment

BAGAMAN

BATARAZA

BATAY

BRGY

ILANG

PALAWAN

RIO TUBA

ROEL JA

SINAGPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with