^

Police Metro

Kelot nagselos, kababata ng GF inutas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 21-anyos na lalaki matapos na pagselosan ito ng nobyo ng kanyang kababata sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Raymart Manansala, binata, residente ng no. 429 Camia st., Tondo, Maynila ay isinugod pa sa Tondo General Hospital ngunit hindi na rin nagtagal ang buhay nito dahil sa tinamong tama ng saksak sa kanyang dibdib.

Habang ang suspects na sina Eduarto Antolin, 17, at nakatatandang ka­patid nito na si Christian Antolin, kapwa residente ng  no. 2461 A. Bonifacio St., Tondo, Maynila ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan  ng Bonifacio at Jacinto sts., Tondo, kung saan kainuman pa umano ng security guard na si Januar Pagulayan, 25 ang biktima. Ilang saglit pa umano ay nagpunta sina Pagulayan at Manansala sa isang karinderya sakay ng motorsiklo nang big­lang dumating din ang mga suspects.

Agad umanong nila­pitan ng batang Antolin ang biktima at inunda­yan ng saksak sa dibdib at mabilis na tumakas.

Lumalabas sa im­bes­­­tigasyon na matagal na umanong nagseselos ang suspect sa biktima na laging nakikitang nakikipagkuwentuhan dito ang nobya na kababata naman ng biktima.

 

vuukle comment

BONIFACIO ST.

CHRISTIAN ANTOLIN

EDUARTO ANTOLIN

JANUAR PAGULAYAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

RAYMART MANANSALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with