^

Police Metro

Piso, lumampas sa P63 kontra dolyar; bagong record low naitala

Malou Escudero - Pang-masa
Piso, lumampas sa P63 kontra dolyar; bagong record low naitala
A customer swaps US dollars for pesos at a foreign exchange outlet in Manila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa lampas P63 kada US dollar ang halaga ng piso sa intraday trading kahapon, matapos umabot sa P63.06 ang palitan ng lokal na salapi laban sa dolyar.

Nitong Miyerkules, Oktubre 14, nagsara ang piso sa P62.87 kada dolyar, mas mahina ng 7 centavos kumpara sa P62.80 na closing rate noong Martes. Ang naturang antas ay 3 centavos na lamang ang layo sa record low na P62.90 kada dolyar na naitala noong Oktubre 8.

Ayon sa mga ekonomista, kabilang sa mga salik na naglalagay ng presyur sa piso ang tumitinding tensiyon sa Middle East at pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis. Maaari itong magdulot ng mas mataas na gastusin sa pag-aangkat ng langis at iba pang produktong binibili ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Kapag humihina ang piso, mas mara­ming piso ang kailangan upang makabili ng dolyar. Maaari nitong pataasin ang halaga ng mga imported na produkto, kabilang ang langis, at magdagdag ng presyur sa presyo ng mga bilihin at transportasyon.

Sa kabilang banda, maaaring makina­bang sa umpisa ang mga pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa pag­lakas ng dolyar dahil mas maraming piso ang kanilang matatanggap sa bawat dolyar na ipinapadala. Gayunman, maaaring ka­inin din ng inflation ang kanilang pur­cha­sing power.

Bago ang pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong katapusan ng Pebrero, sunod-sunod ang pag-angat ng piso at umabot ito sa P57.665 noong Pebrero 27.

OFW

PISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with